THE BIBLE EVANGELIZATIONS - UPDATES APRIL 05, 2026
- bibleevangelizations
- Apr 5
- 5 min read
THE BIBLE
EVANGELIZATIONS
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE
MESSAGE TEACHINGS OF GOD


GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
7UPDATES APRIL 05, 2026
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
MESSAGE OF GOD
THEME: ANG PAGKABUHAY
NG PANGINOONG JESU CRISTO
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng linggo, pumunta si Maria Magdalena at ang isa pang Maria sa libingan ni Jesus upang tingnan ito. 2 Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. 3 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit. 4 Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay.
5 Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hinimlayan niya. 7 Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”
8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon.”" Mateo 28:1-9
"19 Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” 22 Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. 23 Kung- patatawarin ninyo ang mga kasalanan ninuman ay pinatawad na ang mga iyon, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad." Juan 20:19-23
16 Pumunta- ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. 18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya't- humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Mateo 28: 16-20
Nang magkatipon si Jesus at ang mga alagad, nagtanong sila kay Jesus, “Panginoon, itatatag na po ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?”
7 Sumagot si Jesus, “Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. 8 Subalit- tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.
”
9 Pagkasabi- nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at natakpan siya ng ulap.
10 Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumitaw sa tabi nila. 11 Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”
Gawa 1:6-11
MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING
ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NG

PANGINOONG KRISTO HESUS MABUTING BALITA AT ANG TEMA NG MENSAHE NG DIYOS AY MABUTING BALITA AT ANG TEMA NG MENSAHE NG DIYOS AY MABUTING BALITA AT ANG TEMA NG MENSAHE NG DIYOS AY "ANG PAGKABUHAY NG PANGINOONG JESU CRISTO" NAIS IPABATID SA ATING NG PANGINOONG DIYOS ANG ATING TATAMUHIN NA IPINAGKALOOB NIYA SA ATIN SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU CRISTO NA TAYO AY KANYANG BUBUHAYIN DIN KAGAYA NIYA PAGDATING NG TAKDANG PANAHON. ANG PANGINOONG JESU CRISTO AY MULING NABUHAY KAGAYA NG KANYANG SINABI MABUBUHAY SIYA SA LOOB NG TATLONG ARAW.
ANG MALILIGTAS AY MULING BUBUHAYIN SA PAGHUHUKOM AT MAY UNANG PAGKABUHAY NA MAKAKASAMA SA ISANG LIBONG TAON AT SILA AY MAGPAPATULOY NAG BUHAY HANGGANG BUHAY NA WALANG HANGGAN SAPAGKAT GAGAWIN NANG KATAWANG PANLANGIT ANG MAG BINUHAY.
MALIBAN DIYAN MAY HINDI MAMAMATAY AT MAKAKASAMA SA MALILIGTAS NA UNA AT MAGBUBUHAY DIN KASAMA NG PANGINOONG JESU CRISTO AT MGA BINUHAY SA ISANG LIBONG TAON.
NASAKSIHAN NG MGA ALAGAD AT MGA NANAMAPALATAYA NUON NAG PAGKABUHAY NG PANGINOONG JESU CRISTO HANGGANG SA ITAAS SIYA SA LANGIT
IPINAGBILIN NIYA SA MGA ALAGAD NA TAYONG LAHAT AY KANILANG MAHATIDAN NG MABUTING BALITA AT MAKAISA KALIGTASAN. SUMUNOD TAYONG LAHAT SA ATING PANGINOONG JESU CRISTO UPANG MAKAMIT DIN NATIN ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN AT WALANG HANGGANG PAGPAPALA NG PANGINOONG DIYOS AT PANGINOONG JESU CRISTO.
ANG PANANALIG NATIN SA INIARAL NG PANGINOONG JESU CRISTO AT KANYANG PAGKAPAKO SA KSURN AT PAGKABUHAY ANG SIYANG MAGLILIGTAS SA ATIN O MAGBIBIGAY BUHAY. GOD LIGHTS ALL.
SANAY MABIGYAN NG KALIWANAGAN AT MAMULAT ANG INYONG ISIPAN NG BIBLE AT SA

TULONG NG MILAGRO NI SANTA MARIA SA ARAW AT APARISYON AT KALIWANAGAN MULA SA KALIWANAGAN NG DIYOS AT KRISTO HESUS PARA SA KABUTIHAN AT KALIGTASAN AT UPANG MAAWAT AT MAPIGIL KAYO SA ANUMANG MASAMANG GAWA SA KAPWA AT SUNDIN ANG ARAL NG BIBLIYA. KUNDI KAYO MAPIPIGIL NG BIBLE AT TULONG NG MGA HIMALA AT KALIWANAGANG ITO NA MILAGRO AY MAY PAGSUPIL ANG DIYOS SA MASAMANG GAWA SA IBANG ESPIRITWAL NA INTERBENSIYON AT PAGHIHIMALA HANGGANG HUKOM ANG DARATING SA INYO PARA SA KAPAKANAN NG MABUTI. MARAMI ANG ARAL NG DIYOS UPANG SAWATAIN ANG MASAMA AT MAY GOBYERNO DIN NA SUMUSUPIL SA MASAMA SUBALIT ANG MASAKLAP AY PINAPAMUGARAN NG DEMONYO ANG GOBYERNONG ITO. NAWAY ANG ARAL NG DIYOS AY SUNDIN NG MGA ITINALAGA DITO AT WAG GAYAHIN SI SATANAS NA TRAYDOR SA DIYOS AT KABUTIHAN NA KANILANG IPAPATUPAD NA UMAABUSO AT NAGSASAMANTALA SA TAO.
ANG MGA PAHIWATIG NA HIMALA MULA KALIWANAGAN AT MILAGRO NG APARISYON NI BANAL NA SANTA MARIA MULA DIYOS AT KRISTO HESUS AY SANAY MAKAGABAY AT TULONG SA INYONG PANANALIG AT MAAKAY KAYO SA MABUTI AT SANAY TULUYAN NA ANG KALIWANAGANG MILAGRONG GABAY NI SANTA MARIA AT APARISYON AY MAGMILAGRO MULA ATING PANANALIG AT PROMOSYON SUBALIT HIGIT NATING NASAIN NA SUMUNOD AT MANALIG SA BIBLIYA O ARAL AT SALITA NG DIYOS HANGGANG KAY KRISTO HESUS NA NAGPAKASAKIT AT ISINUGO NA SA IBAT IBANG PANAHON PARA SA GABAY NG BIBLE SA PAMUMUHAY NATING ITO SA PANAHONG ITO AT SANAY BIYAYAAN TAYO NG HUSTO SA PAGHIHIMALANG ITO AT GABAYAN TAYO SA ATING HENERASYON HANGANG TAKDANG PANAHON AY MAGLIWANAG SA ATIN ANG DIYOS NGAYON PA LANG.
KAAGAPAY NG KALIWANAGAN NI MOTHER MARY AT APARISYON AY HINIHIKAYAT NG THE BIBLE ANG LIPUNANG PILIPINO IN ALL CLASSES MULA MAYAMAN AT MAHIRAP AT MAGING PAMAHALAAN NA MAGKAISA AT SUPORTAHAN ANG PEACE PROCESS AT PAGREREPORMA NG ATING BANSA MULA PULITIKA AT EKONOMIYA ETC., ETC., NG PAMAHALAAN O GPH AT CPP-NPA-NDF AT MAGING SA GPH - MILF AT MAMUHAY TAYONG LAHAT NG PATAS AT MAPAYAPA.
ANG PEACE TABLE AY RIGHT VENUE PARA SA PAGBABAGO. ITO NA ANG PANAHON PARA DIYAN.... SANA'Y ATING PAIRALIN ANG MAKADIYOS AT MAKATAO AT MABUTING LIPUNAN.
GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL.






Comments